Quotes Tumblr Themes


My gift to Mom last Mothers day. I edit this photo through Photoscape. hehe.. Then I print and laminated this. I’m happy she like my effort. :)

My gift to Mom last Mothers day. I edit this photo through Photoscape. hehe.. Then I print and laminated this. I’m happy she like my effort. :)






Ang bilis ng panahon.
Matatapos na agad ang 2 months summer vacation.
Too bad di natuloy ang Mindoro trip namin ni Raizza but its okay kasi naenjoy ko naman (wala nga lang ako masyadong napanood na anime).
I always go swimming with my family.
Konti lang ang barkada trip pero keri lang. XD
Di bale, may May 25 Taytay Falls Trip pa kami. Hopefully eh makompleto kami! :)

Ang bilis ng panahon.

Matatapos na agad ang 2 months summer vacation.

Too bad di natuloy ang Mindoro trip namin ni Raizza but its okay kasi naenjoy ko naman (wala nga lang ako masyadong napanood na anime).

I always go swimming with my family.

Konti lang ang barkada trip pero keri lang. XD

Di bale, may May 25 Taytay Falls Trip pa kami. Hopefully eh makompleto kami! :)




nakakainspire naman itong short movie from Jamich.. *thumbs up*




Sa 7/11

“Tapos na ang misa, humayo kayo dala ang pagpapala ng panginoon..”

“Salamat sa Diyos..”

*clap*clap*clap*

Unti-unti nang naglabasan ang mga tao. 6:10 pm pa lang at alam kong wala naman akong gagawin sa aming bahay. Agad akong nag-gm sa mga barkada ko kung saan pwedeng tumambay. Nagreply naman sila pero puro ganito:

“Shamel, sorry. Di ako pwede ngayon…”

*sigh* mukhang loner ako ngayong araw ah… Makauwi na nga lang.

Tumayo ako sa aking kinauupan at lumabas na ng simbahan. Pauwi na sana ako nang mapadaan ako sa 7/11. Kaya naman naisipan kong magpalamig muna.

Kumuha ako ng 16 oz cup then nilagyan ng yelo. Kalahating lipton red tea at kalahating mountain dew. Tinikman ko at syempre masarap. Ito ang paborito kong drinks. Mix. Ganito lagi ginagawa ko kapag bumibili ako dito sa 7/11. Nawiwirdohan nga mga kaklase at kaibigan ko sa akin. Tinikman din nila ito pero di nila gusto. Kami lang ata ng pamangkin kong 6 yrs old ang may gusto ng ganitong lasa. Ito ang sinasabing “lasang di mo maipaliwanag”. XD

“Masarap ba?” I was destructed on my thoughts when I heard someone ask. Di ko alam kung sino ba ang tinatanong pero lumingon na din ako kasi baka ako yung tinatanong.

And my jaw almost dropped when I saw who it was.

“Ah.. Ikaw pala Ronnie… O-………. Ok lang…” halos mautal ako.

Lumapit pa siya lalo at kumuha ng cup then nilagyan niya ng yelo.

“sure?” he asked.

“Not really. My friends don’t like it but I do. I don’t know kung magugustuhan mo din…”

*badum*badum*badum*badum*badum*

My gosh! Eto na naman ang heartbeat ko! It’s been a long time pero bakit parang ang kailan lang. That’s Ronnie. Childhood crush ko and tingin ko eh hanggang ngayon pa din naman. XD He’s my classmate during elemetary days. We used to be super close. Pero nung nag-high school kami eh di na kami naging magkaklase kasi magkaiba kami ng school. May kaya kasi ang pamilya niya so he enrolled in a private school in our town. Ako naman eh commoner family lang kaya sa public school lang ako. Ang lungkot nga naming magbabarkada nung elementary graduation kasi siya lang mahihiwalay ng school sa amin. Siya pa man din ang parang pinaka-leader namin. You know, elementary stuff.

Nilagyan niya ng kalahating red tea, pinuno ng mountain dew at saka tinikman.

“Hmmm… Masarap nga ah…” then he smile that shows his dimples. Hay…. Ang cute niya talaga!! >//< and he also like my taste. XD

“Yan lang ba ang bibilhin mo? Foods? Snacks??” he asked.

“Ah.. Wala na.. Di naman ako nagugutom.. Gusto ko lang magpalamig.. Ehe…”

“ahm.. Ganun ba.. Wait lang.. Antayin mo ako dito…” he said then nagpunta na siya dun sa food section. Medyo nagulat din ako kasi di na naman kami nag-uusap dati pero tingnan mo nga naman, bigla-bigla na lang niya ako kakausapin as if were still that close.Nagbalik din naman siya agad at sabay na kaming nagpunta sa counter.

“twenty pesos lang po maam” the counter girl said.

Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang coin purse.

“Here. Isama nyo na din po ito.” sabi niya at nag-abot na siya ng 100 peso bill sa counter.

“that will be 75 pesos sir kasama po yung kay maam. I recieve 100 pesos.”

“uy, wait lang. Eto yung bayad ko..” sabi ko sa kanya habang kinukuha pera ko.

“wag na. My treat. Minsan na nga lang tayo magkita eh…” he said.

“Ano ka ba.. Wag na.. Nakakahiya naman. May pambayad naman ako eh…”

“I know but please.. Minsan lang ito…” he said then wink at me. Kinuha na lang niya ang sukli niya.

“May gagawin ka ba? Pauwi ka na ba? Tara muna at tumambay.. Matagal-tagal na din ang huli nating pag-uusap ah…”

Wala naman akong gagawin saka haler?! Ngayon ko na lang ulit makakausap si crush!! XD

“Ahm.. Wala naman.. Ok lang siguro…” I said at lalo namang lumapad ang ngiti niya.

“Thanks. Tara, dun tayo …” at naglakad na kami sa maliit na table sa tabi ng glass wall. Umupo ako sa tabi at siya naman eh sa tapat ko.

“Kamusta ka na Shamel? It’s been a long time. San ka ba napasok??” tanong ko to start the conversation.

Naging smooth naman yung pag-uusap namin. Im not bored and I hope he’s not too. Nalaman ko din ang ilang bagay about him. Wala na din kasi akong balita sa kanya. Nagma-marine engineering pala siya sa Manila at umuwi lang siya para mag-asikaso ng ilang papeles dahil sasakay sila ng barko. Parang-OJT daw. Siya din naman nagtanong siya sa akin at nabangit ko na Civil Engineering ang kinukuha ko. Last year na niya sa darating na pasukan. 4 years lang kasi ang Marine Engineering sa kanila unlike me na 5 years.

“Grabe ano? Ang bilis na din ng panahon. Parang kailan lang, naglalaro pa tayo ng tumbang preso sa covered court ng school natin nung elementary… Tapos ngayon eh malapit na akong grumadweyt at ikaw naman eh malapit-lapit na din…” kumento niya.

“Oo nga eh.. Tanda mo ba si Jhude? Di ba sobrang close din kayo nun nung elementary tayo? Parang magbest friend pa nga kayo eh.. Schoolmate ko pa din siya..”

“oo naman. Tanda ko yun.. Buddy kami noon eh…”

“Tama. Buddy nga kayo lalo na sa kalokohan! Naku! Pag kayong dalawa talaga ang pinagsama eh sasakit ang ulo ng teacher! Ang kulit nyo eh!” biro ko kaya nagtawanan kami.

“Oo nga eh.. Kamusta na ba yun? May girlfriend na ba yun??”

“Ah.. Oo.. Kaklase ko pa.. Mahilig kasi yung tumambay sa room namin. Eh di yun, nagkagaanan sila ng loob nung kaklase ko… Inlove na inlove.” kwento ko.

“Tingnan mo nga naman oh.. Sinong mag-aakalang maiin-love yun?? Puro kalokohan lang yun dati.. Teka, di ba sabi mo eh naging close kayo? Buti hindi kayo nagkadevelopan? Alam mo na….” sabi niya na parang di niya mawari kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin o hindi.

“naku hindi ah! Barkada lang kami nun. Pero nakakatawa yun kasi kapag may nagpaparamdam sa akin, tinatakot niya. Eh natural matatakot naman sa laki ba naman nun eh kaya walang tumutuloy.” we laugh at that thought.

“Mabuti naman kung ganun…” he said silently but I heard it.

“Ha?” tanong ko kasi di ko maintindihan kung bakit niya sinabi yun.

“Ah.. Wala-wala.. Nevermind… Ahm.. Di ka ba nagugutom? You want something to eat…” he ask shifting the subject.

“Busog pa naman ako. Okey na ako sa drinks…” I said.

“Ganun ba..” he said then drink his drink.

*burp*

Bigla siyang dumighay kaya naman nagtawanan kami.

“Yun na ba yung dighay mo? Parang di ka naman lalaki niyan…” sabi ko habang tumatawa pa din.

“Wow! Ang yabang ha! Sige nga! Ikaw nga!” he said.

I motion ‘wait’ then drink my drink.

*BURP* malakas kong dighay kaya lalo kaming tumawa. Hindi ko nga lang natalo yung kanya. Tawanan lang kami ng tawanan kaya halos maluha-luha na ako.

“Grabe.. Ito ang namiss ko.. Remember when we were kids, we used to do this stuff…” he said na halos hinihingal pa katatawa.

“Oo nga eh.. Lagi pa ngang si Abe ang nanalo dito eh..” sabi ko.

“Oo. Tama. Si Abelardo. Si Abe nga yun. Nakakamiss talaga ang elementary days. Nung nag-high school kasi nag-gaganito din kaming magkakabarkadang lalaki kaya lang eh walang babaeng nakikisama sa amin.” he said.

“Syempre naman. Tween days yun kaya bihira ang mga babaeng makikisakay sa mga ganun. Besides, ako lang naman ang babae sa barkadahan natin dati eh…” sabi ko.

“Oo nga eh. Ikaw lang yung girl na nakilala ko na willing makisakay sa mga trip namin noon. Kaya naman welcome na welcome ka sa tropa.” sabi niya.

“At ang nakakatawa pa, ikaw na leader namin eh siya pang nahiwalay sa barkada. Sa private ka na kasi pumasok.”

“Oo nga eh.. Sorry about that. Yun kasi ang gusto nila Mama eh. Nagkakasama pa din ba kayo??” he ask.

“Nung una. Pero nang tumagal na eh hindi na din. Alam mo na, magkakaiba kami ng sections. Nagkaroon na din sila ng kani-kanilang barkada. Kami na lang ata nila Jhude at Mando ang natira. Palibhasa eh magkaklase kami. Pero syempre eh ang lagi na nilang kasama eh yung mga boys na kaklase namin. Ako naman eh nagkaroon na din ng mga kaibigan. Puro babae actually.” kwento ko.

“Yeah. Mukha nga…” he said na halata mong may iniisip na nakakatawa.

“Hey! What’s with that smile?!” I asked.

“Wala lang..” he said at natawa na siya.

“Ang daya mo!” I said then slightly punched him on his left shoulder.

“Wow! Yan ang di nagbabago. Yung suntok mo! Kahit ang dami nang nagbago sayo, ang lakas pa din ng suntok mo!” sabi niya then burst into laughter.

“Knowing you, alam kong may iniisip ka pang mas nakakatawa kapag ganyan ang ngiti mo. Ano bang nagbago sa akin?” tanong ko na medyo nadadala na din sa pagtawa niya.

“Look at that kid..” he said then point to a girl outside. She’s wearing buggy pants, sneakers, big shirt then ball cap.

“You use to be like that when we were in elementary.. Mas lalaking lalaki ga diyan kung manamit at kumilos. ” he said.

Medyo na-concious naman ako dun. “Oh, eh ano namang nakakatawa dun?? Bata pa ako nun at syempre puro lalaki kayo nun na lagi kong kasama.” yeah .. I admit it. Nung bata pa ako eh sobrang boyish ko pa noon. Manamit at kumilos. Mas komportable pa akong kasama at kalaro ang mga lalaki. Naging woried pa nga ang parents ko kasi baka daw maging tomboy ako. Pero hindi naman. When high school starts, ganun pa din ako. Not until I met my classmate and friend, “Krizza”. She’s pretty and smart. Naging seatmate kami, naging close then she teach me how to dress up for a girl at my age. Yun nga lang, di ko keri yung fashion nya. Too girly. Tanda ko pa nga yung sinabi niya noon eh,

“Shamel, you’re pretty. Swear. I just can’t stand it that you are hiding your pretty face in these boys clothing..” nung sinabi niya yun eh medyo natauhan ako. Besides, di naman talaga ako tomboy eh. Naisip ko din na why not change for better. Siguro nga nagdadalaga na din ako. Maybe not the girly type but the cool one. Yung hair ko na laging nakatago sa cap eh nilugay ko na. Yung dati kong malalaking pants eh pinalitan ko na ng skinny jeans. Natuto din akong magshort. Sneakers pa din syempre.

“Uy! Natulala ka na diyan!” he said after snapping his fingers infront of me.

“Uh, sorry. May naalala lang ako.” then I smile at him.

“Ang layo ng iniisip mo.. Andito naman ako…” he said then smile.

“Haha.. Loko ka talaga..” I said pero pramis! Kinilig talaga ako dun sa sinabi niya.

“Haha.. Joke lang.. Ang lalim kasi ng iniisip mo eh…” ouch naman! Sana di na lang niya binawi.

“Kailan pala balik mo sa Manila?” I asked.

“Bakit? Mamimiss mo ba agad ako?” he said then nagtawa.

Ramdam kong nagblush ako dun sa sinabi niya.

“Sira ka talaga..” I just said. Napayuko ako at nagconcentrate sa pag-inom.

“Joke lang. Baka next week din agad.” he seriously said.

“Wow! Agad-agad ah.. Sobrang busy mo ba talaga o sadyang may babalikan lang sa Manila?” panukso kong sabi.

“Ha? Hindi ah. Oo may aasikuhin ako. Yung mga papers ko pero other than that, wala naman.” he answered.

Ano ba yan? Hindi naman yan ang ibig kong sabihin eh. What I mean is, may girlfriend na kaya siya??

“And No. Wala akong Girlfriend.” He said while grinning.

“Ha? Wala naman akong tinanong na ganyan ah?” mind reader ba siya? Baka naman na-gets na niya ang tanong ko. Kahiya naman! Akala ko lusot na ako eh! >//

“Ok. Sabi mo eh…” he said while smiling playfully at halatang may iniisip.

“Pero alam mo ba, girls here are totally different from girls in Manila. And honestly speaking, I prefer girls here.” he said then look at me. Di ko alam kung bakit pero lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko eh yung sinabi niya was meant for me.

“Eh? Ta-talaga? Pa-pano mo naman nasabi?” I asked.

“Madaming reason. Ang mga babae dun, napakastraight forward. Kung gusto ka nila, they’ll show motivation right away. Mostly ganyan mga naging girlfriends ko.” he said na napa-roll eyes pa siya.

Natawa naman ako sa ginawa niya at siya din naman.

“Basta! Magkaibang-magkaiba. And I prefer Girls here. Girls like you..” he said while looking directly in my eyes with his eyes that shows smiles and sincerity. Ewan ko pero lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. I know that Im blushing too.

“haha.. Nakakatawa.. Joker ka pa din pala.” I said trying to insert sarcasm to my words para ipakitang di ako affected..

“You think so? Siguro nga joker ako. Since birth yun eh. Alam mo naman kung gaano ako kakulit. But let me tell you one thing, I’m not kidding this time. Everything I said was true.. Especially this.” he pull both my hands and seriously look in to my eyes. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya. He *gulp* and said something that almost take all of my breath.

“I love you.” hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pinagtritripan niya ba ako? I was about to express my argument whe he put his pointing finger near my lips to shut me up.

“Wait lang. I know you’ll have argument about this. Sino nga naman kasing maniniwala sa isang lalaki na joker tapos bigla-bigla na lang magtatapat ng pag-ibig sa babaeng ngayon na lang niya ulet nakita after years. Pero trust me. I mean it. Bata pa lang tayo, iba na tingin ko sayo. Di ka ba nagtataka kung bakit sa tuwing may away ang barkadahan eh di kita isinasama?” nang sabihin nya yun eh nagflashback sa akin yung elementary days namin. Kapag may ka-away ang grupo eh ginagawa niya lahat ng reasons huwag lang ako makasama sa mga away. I thought ayaw niya lang coz he think Im weak.

“Dahil ayokong mapahamak ka. Akala ko normal na concern lang yun pero iba eh. Maybe you always wear boy’s outfit but behind all those, all I can see is your pretty face. Nung nag-high school na tayo, hindi na tayo nagpansinan di ba.” he said the fact at aminin ko na masakit maalala yun.

“Sorry about that. Sobrang namiss kita nung hindi na tayo nagkikita. Tapos nagulat na lang ako nung nakita kitang muli…. Iba ka na. Natuto ka nang magbihis babae. Lalo kang gumanda. Kaya naman nahiya talaga akong lumapit sayo.” he sadly said while lightly scratching his nape.

“But trust me. That’s my biggest regret. Lalo na nung nalaman ko na may boyfriend ka na… Nanghinayang talaga ako nung nalaman ko yun. Ang plano ko kasi eh ligawan ka kapag may stable na akong trabaho. Yung may mapapatunayan na ako sayo. Pero wala eh, huli na….” he said at kita ko talaga ang regret sa mga mukha niya. Oo nga at nagkaboyfriend ako nung 3rd year high school pero di rin naman nagtagal yun. Ayoko nga i-count yun as relationship talaga eh.

“Pero ngayon, alam kong wala kang boyfriend at wala ka pa ding pinapayagan manligay. Pinabantayan kaya kita kay Jhude…” he said kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Siya naman eh napatakip sa bibig niya.

“Anong sinasabi mo na pinaban—”

“Wait lang. Patapusin mo muna ako. Baka maduwag na naman ako at di ko masabi. Swear! Tatapusin ko ang paliwanag later…” he said cutting my words.

“Di na ako magtatanong pa! Kasi hindi ako tatanggap ng hindi. Shamel!” he tap the table and stand up. Napatingin naman sa amin ang mga tao sa 7/11.

Then he kneeled and said:

“Shamel Marquez, I’ll court you…” while he’s directly looking in my eyes and seriousness is written on his face. Yung mga mata niya eh nag-aantay ng sagot. Ano ba dapat kong sabihin? Teka! Wala naman siyang tanong di ba?!

“Ate, sagutin mo na yan…” kantiyaw ng isang crew kaya naman kanya-kanya nang panunukso ang mga tao.

“Rinig mo yun? Lahat sila boto sa akin. Kaya please. Give me a chance. Let me show you how much you mean to me..” he said still kneeling.

“Tumayo ka nga diyan…” hinila ko siya patayo at tumayo naman siya. Kailangan ko pa tuloy tumingala para lang makausap siya.

“Eh di ba wala ka namang tinanong? Saka sabi mo wala na akong magagawa coz you have decided. Now, I’ll ask you? May choice pa ba ako?” I said smiling at him.

Lumawak naman lalo ang ngiti niya. Hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko.

“Wala. So ibig sabihin ba nito eh tayo na??”

“Aba. Teka naman. Wala ka na sa manila, Boy! Probinsiyana ata itong tinatanong mo. Manligaw ka muna ano. We’ll see about that…”

“Yeah… I know. Trust me, I’ll give my best shot.. Buti na lang napakiusapan ko lahat ng barkada mong indianin ka. Salamat sa tulong ni Jhude… Sure kasi silang pupunta ka dito after the mass eh…”

lalo naman akong nagulat sa rebelasyon niyang iyon. Ibig sabihin, planado pala lahat ng ito. Oh well, life is full of surprises. Kahit ang relasyon namin, surprise din kung anong mangyayari. Thank God I was given a chance with him.

Buti na lang nagpunta ako dito sa 7/11. :)

~End

note: 100% Fiction






Fact: Guys are Guys







Natripan namin ni ate mag-gwiyomi pero para maiba, GIF file naman!!! hahahaha&#8230;.

Natripan namin ni ate mag-gwiyomi pero para maiba, GIF file naman!!! hahahaha….




Photo Post Sat, Jan. 19, 2013 1 note

T-shirt #otaku #instalike #instaFollowMe #instadouble #instareal  #instaAwesome

T-shirt #otaku #instalike #instaFollowMe #instadouble #instareal #instaAwesome




Photo Post Sat, Jan. 19, 2013 1 note

Ito yung likod ng t-shirt.. XD #tshirtback #otaku #teamfollowback #instapis #instaTrio #instaMe #instalike #instaFollowMe #instaAwesome #instareal

Ito yung likod ng t-shirt.. XD #tshirtback #otaku #teamfollowback #instapis #instaTrio #instaMe #instalike #instaFollowMe #instaAwesome #instareal




Photo Post Sat, Jan. 19, 2013 1 note

Proud talaga kami sa t-shirt.. pagbigyan na.. XD #otaku #bestfriend #teamfollowback #instapis #instadouble #instaMe #instalike #instaFollowMe #instaAwesome #instalike

Proud talaga kami sa t-shirt.. pagbigyan na.. XD #otaku #bestfriend #teamfollowback #instapis #instadouble #instaMe #instalike #instaFollowMe #instaAwesome #instalike



1/54 older »